ITONG estudyante, na umiinom noong unang pasukan ng ating nakakayamot na mga eskwelahan, noong hindi pa tumutuntong sa mga utak ito ang mga takdang aralin, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kaibigan at lalung-lalo na ang mga ka-inoman, sila ay kahati at kapalitan ng mga alak, mabilis ang pagkaubos ng lahat ng pera, kayat dahil dito’y pagkalasing ang kaasalan ng lahat. Bata’t matanda at maraming mga estudyante ay marunong uminom at mag-lasing ng talagang pagtagay nating mga Pilipino.
Dumating ang mga baguhan at dumulog na makipaginoman. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, sila’y aakayin sa lalong kasiyahan, at lalong imumulat ang kanilang kaisipan, ang nasabing lasingero ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo.Gayon man, sila’y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga lasingero na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na paglagay ng maraming alak sa kani-kanilang mga baso, at yao’y inihalo’t ininom nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa grupo. Ito’y siyang tinatawag na pagkasundo(1) ng lasingero at ng tao na baguhan sa inoman.(2)
Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa napakahabang panahon na ang alak ni San Miguel ay ating iniinom sa lubos na kasaganaan; ating nilalaklak at nilalasap, kahit abutin natin ang kalasingan at kahirapan. Ginugugol natin ang yaman, oras at panahon ng buhay sa paglamon sa mga ito; pinapainom natin ang mababait na mga kaibigan na ayaw pumayag na sa alak ay magpakalasing, at gayon din naman tumatangi tayo sa mga malakas uminom at mga manggagantso na nagbabalak na alisin sa atin itong katinuan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ininom nating vodka ang nakikitang pahamak na naidudulot sa ating buhay? Ano ang nakikita nating kamalian sa kanilang epekto na siyang naging dahilan ng ating kasiyahan? Wala kundi pawang kaligayahan ang dala sa ating mga umiinom. At ang mga pagtupad sa kanilang epektong tayo ay lalong magdusa sa
sakit? Bagkus tayo’y pinasaya, pinaligaya tayo sa kanilang hamak na epekto, pinilit na alisin ang nakakainis at masasamang problema ng ating buhay. Iminulat tayo sa isang nakaka-addict na libangan at dinala sa lubak ng kalandian ang katinuan ng ating pag-iisip.
At kung tayo’y lasing na humingi ng kahit gabahid na alak, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y papasukahin at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga kaibigan, ka-inoman at masasarap na alak. Ang bawat isang suka na lumalabas sa ating bibig ay itinuturing na isang malaking pagkasawi at dali-daling nilalapatan ng malinis na basahan.
Ngayon, wala nang maiinom na alak sa ating mesa. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating
mesa ng masungit na waiter at waitress, nabuhos na alak at suka ng lasing na kalandian, kaibigan at mga syota ng mga ka-inomang nilasing (3) ng mga manlulupig na alak.
Ngayon, tayo’y malulunod na sa nagbabahang luha ng syota sa malala na sakit ng ulo, sa pagtuyo ng lalamunan na dinadaanan ng suka, na ang bawat patak ay katulad ng isang malaking chalk na sumasayad sa magaspang na parte ng ating berdeng blackboard. Ngayon, lalo’t lalo tayong binabalikan ng tamang katinuan sa bawat oras na nagdaan.
Ano ang nararapat nating Inomin?
Ang gabi ng kasiyahan na ginaganap sa Drews ay pasabik na sinasabi sa ating mga katawang matagal na hindi umiinom ang bar na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga alak ng pangmayamang alay sa atin ng mga mayayaman na kaibigan.
Itinuturo ng kaibigan na wala tayong iba pang maainom kundi lalo’t lalong beer, lalo’t lalong tequilla, lalo’t lalong rum, at lalo’t lalong vodka.
Itinuturo ng kaibigan na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong libreng alak na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng kaibigan na tayo’y magalaga sa ating sarili at huwag ipaalaga sa iba ang ating lasing na sarili.
Itinuturo ng kaibigan na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkasundo na inumin ng mabilis ang nagpupunuang alak sa ating lamesa.
Panahon na ngayong dapat na i-order ang isang bucket ng beer.
Panahon nang dapat nating ipagyabang na tayo’y may sariling beer, may vodka, may gin at iba pa.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagtagay ng mga masarap at mabangong alak na magpapalimot sa napakaraming problema na pumopuno sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makalimutan kahit sandali ng mga ka-inoman ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat inom natin ay magpakasaya tayo at tumungo sa masarap na pakiramdam ng “pagka-high” na sa atin ay binibigay ng mga alak.
Kaya, O mga kaibigan! Ating ibukas ang nauuhaw na bibig, at kusang inumin sa kagalingan ang ating alak sa tunay at lubos na sarap na magtutupad sa minimithing kasiyahan ng sarili.